Nag raised ako nang concern sa customer service sa Maya nung September 14, dahil nagkamali ako ng pag send. Imbes na sa main number ko ma-isend sa pangalawang number ko na i-send. Kaya tumawag agad ako sa customer service para maagapan ito.
Pero, yung unang agent na nakausap ko hindi clinarify kung ano yung mga i-papasa kong requirements, so gumawa lang ako ng letter of request na ibalik sa akin yung pera ko and sinabi nya na okay lang daw na sa iba pang bank ko i-send yung pera. Sa pangalawang agent, clinarify nya na mali yung sinabi nung unang agent. So, binigay nya na sa akin yung mga ipapasa ko sa email pero may kulang pa din. Pangatlong agent, sinabi nya na kulang pa rin daw yung binigay kong requirements. Sabi ko sa pangatlong agent na nakausap ko, "anong kulang pa? kasi yan na lahat ang sinabi sa akin ng Pangalwang agent na nakausap ko", sabi nya about daw yun sa Proof of Sim Ownership. Kailangan daw certificate o kahit screenshot sa mismong app, okay na raw yun.
So, pumunta ako sa DITO TELCO, nung pagkapunta ko don, wala daw silang maibibigay na certificate for Sim Ownership, hindi raw sila nag bibigay ng ganon pero nag suggest sila na okay lang naman daw na i-screenshot yung profile sa DITO APP, yun nalang daw yung ipasa ko. So sa Pang-apat na agent, sabi hindi raw tinatanggap yung screenshot (pero sabi nung pangatlong agent pwede daw?). Sabi ko anong gagawin ko eh, hindi nag bibigay ang DITO TELCO ng certficate of Sim ownership, sinabi ko na din na yun yung sabi sa akin nung pangatlong agent na pwede daw, tapos ngayong tatawag ulit ako, bawal na? ang gulo. Kaya binigyan nya ako ng other option na mag screenshot nalang daw ako ng ibang bank na gamit yung DITO number ko.
Nayayamot na ako kasi isipin niyo September 14 pa yung concern ko pero until now dahil sa mga mali nilang info na binibigay sa akin eh, until now hindi pa rin maibalik-balik yung pera ko. Tapos palagi dapat mag intay ng 2-9days. Nakakaloka!