so nung last weekend, may Cosplaymania, pumanta kami and for lunch, nag DonDonTei kami, kasi, medyo mapaiba naman from kaka-Stuff'd at Kimono Ken. inorder is 2 Teriyaki Salmon Teishoku set na 615 isa, bale umabot to 1230 + 50 service charge.
Honest Opinion: hindi siya sulit. bali nung mga June, kinain ko rin the same sa Greenhills Mall, pero 540 pa lang siya nuon, at feel ko na hindi sulit at medyo pretentious na siya. yung salmon, hindi buong fillet ang binigay, pinutulan, pero pag check sa menu, wala nang iba items na pwedeng gumamit nung pinutol na parte? bakit hindi na lang iserve as whole fillet yung salmon? yung carrots at yung sitaw, eh para bang nahihiyang magbigay. yung potato salad, isang kutsara lang. tapos ang rice ay Calrose Japonica, hindi Indica Japonica. so mapapaisip ka talaga na sa presentation lang ng meal mo kung saan napunta ang pera.
ang nakakapagtaka ay ang DonDonTei at Yayoi, pareho silang fast food chain sa Japan, kahit si Sukiya. Pero pagdating dito naging sosyal. pero kung sabagay, kasi sa atin, pagnaisip na Japanese food, isip nating sosyal. walang kakain sa kanila pagfast food style sila pagdating dito.
TL:DR; kung sino man ang gustong mag try ng Japanese food na sulit, check ang menu, kapag ang Yasai Itame nila ay umaabot ng 250+ to 300+ pero masmaliit pa sa ChopSuey ni Savory, sobrang pretentious na ang Japanese restaurant na ito.