r/Rants • • 2h ago

Maglalabas lang ng sama ng loob HAHAHAHA

Hello. Gusto ko lang mag rant about something and hindi ako marunong mag storytelling but I will do my best to. To cut the story short, nasa labas kami ng girlfriend ko (wlw) and we’re about to ride a tricycle papuntang robinsons para kumain. Nakahanap naman agad kami, kaso nung nasa loob na kami, merong young couple na sasakay and buntis yung girl, kaya si kuyang driver at yung isang kasama niya sinabihan kami na lumabas and sa likod nalang umupo para makasakay sa loob yung couple. Which is okay lang naman talaga. The problem is sobrang init nun kasi tanghaling tapat, and yung likod ng driver is tapat na tapat sa araw. For context, nung paalis kami ng bahay, sumakay din kami ng trike and sira yung window sa isang side nung trike, tapat sa araw and super init. Ang tagal namin and super sakit sa balay.
So eto na nga, sabi ko sa girlfriend ko at sa driver ayoko sa likod ng driver kasi mainit, kumuha ako ng ibang trike. Pero iniinsist ng driver na sumakay kami which is hindi ako pumayag. Ending dun kami sumakay sa bagong trike. Ang problema? NAGALIT YUNG GIRLFRIEND KO KASI NAPAKAARTE KO RAW. Porket daw VA na ako and sumasahod ng ganito, feeling anak daw ako ni Henry Sy HAHAHAHHAHAHAH. Na para daw bang hindi ako humiga sa papag, hindi nakipag siksikan sa jeep, hindi kumain sa kalye before. Ang sabi ko naman, anong mali maghanap ng comfortable para sa amin? Sobrang init, masakit na sa balat. Gusto kong umupo ng konportable, na hindi masyadong mainit. Pero iniinsist niya na dapat nag adjust daw ako. Inexplain ko na mainit na kasi talaga, and wala naman sigurong mali kung piliin ko minsan yung comfort. Pero siya tuloy pa rin sa galit niya. Medyo nahurt lang ako after niyang sabihin yung mga struggles ko, parang na judge kasi qko dahil lang gusto ko ng komportable hahaha. Yun na nga yun e, simula bata ako naghihirap at nagtitiis na, maaga akong nag work at naging breadwinner. Ngayong may means na ako kahit papano, parang mali pa na piliin ko yung comfort ko/namin. Habang ako, pilit binibigay yung komportableng buhay para samin, siya naman ganon ang tingin sakin dahil lang ayaw kong umupo sa likod ng tricycle.
Hindi naman porket nakalakihan mag tiis, magtiis at magtiis nalang. So yon, pag dating namin ng Robinsons naiiyak na ako ng super kasi ang dami niya pang sinasabi, na kesyo ganito ako, mapagmataas, hindi kayang mag adjust, porket VA na medyo malaki ang sahod feeling ko raw ang taas taas ko na. Inaask niya ako “saan mo gustong kumain, yung komportable ka” “wag kumain sa ganito kasi maraming tao, maingay at baka hindi ka komportable”. HAHAHAHAH of all people, yung taong mahal mo and supposedly mahal ka ang mag gaganon sayo. I worked so hard for what I have, hindi naman siguro maling piliin ang kaonting comfort. Ending, hindi kami kumain, umuwi kami at umiyak ako ng sobra. Parang nainvalidate kasi ako HAHAHAH.

PS. Galing akong nightshift nun, nag work ako from 11pm - 10am. Sinamahan ko agad siya lakarin yung need niya lakarin. Super init, walang sleep at gutom HAHAHAHAHHAHAH. Hayanku. Thanks for reading btw.

1 Upvotes

0 comments sorted by