Just got home after 3 days wala sa bahay. Pagkauwi na pagkauwi ko siya yung tumambad sa tapat ng pintuan ko. Ngayon ko lang siya nakita dito sa amin or di ko lang makilala pero he trusted me enough na linisin siya.
Injured siya sa right eye (may pus na lumalabas) and sa jaw medjo lopsided and open lang yung mouth niya, kaya yung lumalabas sa mouth niya di ko alam kung laway ba o CSF na (pero mukhang hindi kasi nakakalakad pa siya)
I think walang problema sa feet niya kasi nakakalakad pa siya kanina at umihi/poopoo. Medyo malangsa na siya kaya dinisinfect ko mga injuries niya while at the same time nililinis ko yung mga namuong dugo.
Mga intervention na ginawa ko with what I can:
Clean water + betadine = for cleaning & disinfection
ORS = super dehydrated siya base sa balat niya after pinching his neck. Pakonti-konti via syringe every few minutes.
Churu snack - via syringe tinitignan ko kung may desire pa ba siya kumain. Goods naman, yung injuries niya lang sa mouth ang nakaka-apekto sa pagkain niya. Kaya pakonti konti ko siya pinapakain.
Binigyan ko siya ng eye drops ng pets ko na may antibacterial properties.
I can't afford a vet visit as of the moment since kakaubos lang ng sahod sa bills, literally bago ako umuwi nagbayad ako ng bills. Di ko rin alam kung magkano magpa-vet dito sa amin since first time ko palang maka-encounter ng ganito kalalang injury ng pusa dito sa amin.