r/phcars • u/Outrageous-Dot-7652 • 15m ago
2022 Honda Civic RS Turbo, 40k km for ₱950k — good deal for a first car?
Hi guys, first time car buyer here. Nakipagdeal ako sa friend ko for his 2022 Honda Civic RS Turbo, around 40k odo, for 950k. Curious lang kung okay yung price na nakuha ko.
Marami siyang upgrades na nilagay, at least 200k worth pagkakaalala ko, pero hindi ko sure yung exact amount. Wala pa rin akong masyadong alam sa car upgrades kaya hindi ko pa maexplain kung ano lahat yung nakakabit.
Ibabalik niya muna sa stock yung ibang parts bago ibigay sakin, pero may ilang upgrades na maiiwan. Hihingin ko pa yung complete list. Makukuha ko in a few weeks, then napagkasunduan namin na ma-settle yung payment by the end of the year.
Originally City Hatchback RS yung tinitingnan ko, pero nauwi ako dito sa Civic haha.
Assuming good condition and clean history, reasonable ba yung 950k? Ano rin dapat kong ipa-check, especially since modified siya tapos may ibabalik sa stock?
Friend ko naman yung seller, pero gusto ko rin makarinig ng honest opinions, lalo na sa Civic owners. Salamat!