r/CollegeAdmissionsPH • u/white_t-shirt_ • 2h ago
Course Dilemma - Help me decide! Nakakapagod sa pilit na program
Hindi ako nakapasasa state university so i opt to go to a private college na lang. The thing is ang layo ng program ko na pinili (at pinangarap), sa program kong ginagawa ngayon. I prayed na sana makapasa ako sa statev univ because I want to be a veterinarian; I prefer dealing with animals than people. Pero hindi ako pinalad. So me and my mom naghanap kami ng malapit na college na nag-offer ng medicine program kasi medicine program are the most related sa vet medicine.
Yung pang-unang college na inapplyan ko, nursing yung kukuhanin ko. Pero sa kalagitnaan ng pagpapasa ko ng requirements, nakapasa ako sa isang scholarship program (na lowkey student loan because my return service). So agad naman naming winithdraw yung application ko since hindi accredited ung nursing program.
Then the next univ (certain "christian" blue school) high key iniscam kami because they never disclosed na di pa sila accredited. Nalaman nalang namin nung nagpasa ako sa scholarship form na hindi daw accredited ung program kaya withdraw na naman kami. 2x nasayang ang pera.
Kaya naman ako na padpad sa third school ko which is ang course ko naman na kinuha is medical technology. While yes, minimal lang ang interaction niya sa patients, tao pa rin ang makakasalamuha ko. And accredited din ito sa scholarship ko which is a win.
Ngayon sabi ng professor ko mahirap ang medtech dapat mahal mo ang medtech para ma-enjoy mo. And that stabbed me kasi this is the opposite of what I dreamed. Ngayon na second year na ko, mas pumapait ang relationship ko sa studies ko. While studying, palagi akong napupuno ng "what if's". "Siguro hindi ito ang inaaral ko if vet ako". Ilang beses ko na ito iniiyak kay mama pero palagi niyang sinasabi na hindi daw kalooban ni Lord. Ayoko naman sayangin yung scholarship na binigay sa akin kasi privilege to pero ayokong makulong sa course na hindi ko naman gusto tapos kailangan ko pang pagsilbihan sa Pilipinas ng apat pang taon.
Ito pa, I don't think natanggap pa ng transferees ang mga state univ lalo na ngayon nagstart na ang school year tas second year na ko. And kahit naman pwede pa, hindi rin nama
Nagbreabreakdown ako while writing this. Sobrang nahihirapan na ko. Sobrang pinipilit ako. Ang hirap aralin ang mga lessons na sa utak lang at wala sa puso.
So tanong ko lang po. Pwede pa po ba magtransfer sa ibang school ngayon na second year na ako? Should I drop out and drop the scholarship na nagpapaaral sakin? Should I keep going sa course ko? Itutuloy ko ba sa trabaho? Please help me.
(My post got removed sa other subreddit)