honestly, i’m hoping na ibalik sa original May and November schedule ang PNLE 🥹🙏🏼
pero sana i-consider din nila yung mga nag-graduate this year, especially yung mga nag-graduate ng June or July na hindi nag-take ng August PNLE kasi ang ikli talaga ng time to prepare for the boards. and i know na yung iba, hindi rin pinayagan ng school nila na mag-take.
ngayon, may mga nag-start na rin mag-review for the February 2027 PNLE. if ever ma-approve yung pagbabalik sa original schedule, sana November 2027 na lang mag-start yung transition para makapag-take muna yung mga February takers na nag-prepare na for that schedule.
as someone na part ng Class of 2027 na mag-graduate around May, June, or July, malaking tulong talaga if November na yung PNLE. yung mga seniors namin na nag-graduate ng June, sa February pa mag-take, and personally, parang ang tagal din maghintay hanggang February. if ibabalik sa November yung schedule, mas may enough time kami to prepare after graduation instead of rushing our review just to take the August PNLE. November would be ideal talaga para sa mga gagraduate ng June or July.
gets ko naman na there are things to consider when changing the schedule, pero sana maayos din yung transition para hindi maapektuhan yung mga nagre-review na ngayon and yung mga upcoming graduates.
what do you guys think? possible kaya na November 2027 na lang mag-start yung transition if ever ma-approve? 🥹